-- Advertisements --
Patungo na sa El Salvador, Central America si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee para sa nalalapit na Miss Universe pageant.
Kasama nito ang Miss Universe Philippines Organization team na pinangungunahan ni events and creative director Jonas Gaffud.
Bago magtungo sa nasabing bansa ay mananatili muna sila sa Los Angeles ng ilang araw.
Pagtitiyak niya na nakahanda na ito para sa nasabing pageant.
Gaganapin ang Miss Universe 2023 coronation night sa El Salvador sa Nobyembre 18.