Handang-handa ng sumabak ang pambato ng Pilipinas na si Miss Universe-PH Michelle Dee na dumating na sa El Salvador ngayong araw para sa inaabangang ika-72 edisyon ng Miss Universe ngayong taon.
Nakasuot ng all denim outfit si Dee at proud na suot ang MUP sash nito habang iwinagayway ang bandila ng PH sa kaniyang pagdating sa Central American country.
Samantala, tunay na naguumapaw naman ang bayanihan sa mundo ng pageantry lalo na sa mga Pilipino matapos mamayagpag ngayon si Dee sa 2023 Miss Universe Voice for Change online poll na nakasungkit ng pinakamataas na bilang ng votes ilang linggo bago ang mismong coronation night.
Ang pure Pinay acress-beauty quaeen ay nakakuha ng 139,837 votes as of 9:40 am ngayong araw, sumusunod ang pambato ng Ukraine na si Angelin Usanova na nakakuha ng 139,191 votes.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang Miss Universe Philippine Organization sa lahat ng mga supporter, pageant fans, influencers, bloggers, at sa publiko sa patuloy na pagbuhos ng kanilang suporta.
Kaunay nito, hinihikayat ang fans na bumoto para kay Dee sa Fan Vote category para makakuha ng spot sa semifinals.
Gaganapin sa Nobiyembre 16 ang Miss Universe 2023 Preliminary Competition habang ang National Costume Show naman ay sa Nobiyembre 17. Tatangkain ni Michelle Dee na maiuwi ang ikalimang korona para sa Pilipinas sa Miss Universe coronation night na gaganapin sa Nov.18 o 9am sa Nov.19, oras sa Pilipinas.