-- Advertisements --
Inamin ng Miami Heat guard na si Tyler Herro na maaring hindi siya makalaro sa Martes makaraang magpositibo sa COVID-19 ang kanilang housemate.
Makakaharap ng Heat ang Hornets.
Sa ngayon hawak ng Miami ang 7-12 record at minalas na umabot na sa walong mga players ang nabigong maglaro dahil sa iba’t ibang kadahilanan lalo na sa isyu ng virus.
Si Herro ay nag-a-average ng 17.5 points ngayong season.
Pero pitong games nitong Enero ang hindi siya nakalaro dahil sa neck spasms.