-- Advertisements --

Hindi muna makaksipot ang Filipino-American head coach ng Miami Heat na si Erik Spoelstra dahil sa bagong panganak lamang ng ikatlong nila ng misis na si Nikki.

Sa kanyang Instagram ibinahagi ni Nikki ang pagdating ng kanilang unang anak na babae na pinangalanang si Ruby Grace.

Dahil dito napuwersa raw tuloy ang bagong daddy na naman na si Spoelstra ang NBA media day bago ang opening ng professional league new season na magbubukas sa susunod na buwan.

Liban nito, hindi rin daw makakasipot si Spoelstra sa unang mga araw ng kanilang training camp na gagawin pa sa Bahamas at hahabol na lamang ito.

Sinasabing sa 14 seasons ng Fil-Am bilang Miami’s head coach, umabot lamang sa limang mga games na hindi siya naksama kung saan dalawa sa mga araw na ito ay ang apgsilang ng mga anak niyang lalaki.

Noong buwan ng July, ibinulgar ni Nikki na ang kanilang four-year-old son ay nasa remission na makalipas ang rare form ng cancer.