-- Advertisements --
image 189

Muling nakatanggap ang Manila International Airport Authority (MIAA) ng panibagong bomb threat wala pang isang linggo matapos ilagay ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa heightened alert ang 42 commercial airports sa bansa dahil sa sunod-sunod na bomb threat.

Ang pinakahuling bomb threat ay ipinadala mula sa isang umano’y Takahiro Karasawa.

Ang nagpadala, na nag-aangking Japanese lawyer, ay nagbabala na siya ay nagtanim ng isang high-performance na bomba sa isang eroplano mula sa Japan patungo sa isang paliparan sa Pilipinas.

Matatandaan na noong unang bahagi ng Setyembre, inimbestigahan ng Department of Transportation ang isang mensahe na ipinadala sa Bureau of Plant Industry mula sa nagpadala ng parehong pangalan na nagbabala na siya ay nagtakda ng isang high-performance na bomba sa isang pasilidad ng Metro Manila Rail Transit System.

Ang Department of Information and Communications Technology ay beneripika na ang mensahe ay ipinadala sa lokal at hindi mula sa Japan.

Sa kasalukuyan ay natukoy na umano ang nagpadala ng bomb threat at tinutugis na ng mga awtoridad upang mapanagot sa kanyang ginawang na pagbabanta.