Inanunsyo ng pamunuan ng Manila International Airport Authority na magsasagawa sila ngayong araw ng series ng electrical maintenance activities sa NAIA Terminal 1 at 2.
Kasama rin sa isasailalim sa maintenance ay ang International Cargo Terminal, MIAA Administration Building, at airfield na inaasahang matatapos hanggang March 7 ngayong taon.
Ang aktibidad na ito ay bilang bahagi pa rin ng pag-upgrade ng ongoing electrical systems ng NAIA.
Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng Manila International Airport Authority na magkakaroon lamang ng kaunting abala sa ilang lugar ngunit sa kabila nito ay tiniyak ng MIAA
Tiniyak din ng ahensya na walang magiging epekto sa schedule ng trabaho at sa flight operation.
Kung maaalla, nagkaroon ng pagpupulong ang MIAA at Meralco, mga stakeholders, at service provider upang ipabatid sa mga ito na magkakaroon ng schedule power maintenance.
Layon nito na matiyak na hindi maantala ang mga flight at paggalaw ng mga pasahero sa panahon ng maintenance activities .