-- Advertisements --

Nanawagan si ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na isapubliko ang nilalaman ng kasunduan na nagbigay kay dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan ng pagiging state witness kapalit ng immunity sa kasong plunder na may kaugnayan sa flood control scandal.

Ayon kay Tinio, isa si Bonoan sa mga pangunahing opisyal na dapat managot sa umano’y katiwalian sa mga proyekto sa flood control at hindi ito dapat makaligtas sa pananagutan nang walang maibibigay na mas mataas na sangkot sa kaso.

Nauna namang sinabi ni Remulla na magsisilbing state witness si Bonoan kahit isa itong respondent sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Aniya, naghain na ang mga state prosecutor ng mosyon upang ibasura ang kaso laban dito dahil mahalaga ang magiging testimonya niya kaugnay ng mga nangyari sa DPWH.

Kinuwestiyon din ni Tinio kung sapat ba ang testimonya ng iba pang state witnesses at kung maituturo ni Bonoan ang iba pang mataas na opisyal na umano’y sangkot sa maanomaliyang proyekyo.