Agad na gumawa ng hakbang ang Manila International Airport Authority (Miaa) matapos na makatanggap sila ng mga reklamo ukol sa pagkakaroon ng mga ‘surot’ sa upuan ng Ninoy Aquino International Airport (Naia) Terminals 2 at 3.
Ayon sa MIAA na agad nilang ipinag-utos ang inspections at pagpapaigting ng sanitations sa nasabing mga paliparan.
Tinanggal na rin nila ang mga upuan kung saan nandoon ang nasabing mga surot.
Magugunitang inireklamo ng ilang pasahero ang nasabing paliparan matapos na makagat sila ng bedbug o surot habang sila ay nakaupo sa mga upuan na matatagpuan sa nasabing paliparan.
Pinagpapaliwanag na ni Miaa General Manager Eric Ines ang mga terminal managers ng nasabing paliparan kung saan humingi na sila ng paumanhin sa mga nagrereklamo.