Humingi na ng pang-unawa at paumanhin ang Manila International Airport Authority (MIAA) dahil sa reklamo ng mga pasahero na mainit na temperatura sa loob ng mga paliparan.
Ayon sa ahensiya na nakaranas silang pag-fluctate ng suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dahil sa pagdami ng mga pasaherong pauwi sa kanilang probinsiya ngayong Holy Week.
Sinabi pa ni MIAA General Manager Eric Ines na dahil sa init rin ng panahon ay tumaas ang power load na nakaapekto sa circuit breaker ng terminal.
Dahil aniya sa insidente ay labis na naapektuhan ang air-conditioning system.
Gumawa agad sila ng paraan sa pamamagitan ng paglipat ng nasa 10 industrial cooler fans mula sa Terminal 3 na dinala sa Terminal 2 para mapalamig ang lugar.
Paglilinaw naman nito na ang insidente ng electricty fluctuation ay hindi nakaapekto sa mga flights at ilang pasilidad ng paliparan.
Pagtitiyak naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines, na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno para hindi na maulit pa ang nangyaring power outage sa paliparan na nagresulta sa pagsasara ng airspace ng bansa ng ilang oras.