-- Advertisements --

ILOILO CITY- Nadagdagan pa ang mga vendors sa Passi City na nahawaan ng COVID-19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Passi City Mayor Atty. Stephen Palmares, sinabi nito na nadagdagan pa ng 55 mga vendors ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Palmares, ang nasabing mga vendors ay nanggaling sa ibat-ibang talipapa sa nasabing lungsod kung saan kumumuha ang mga ito ng supply sa Passi City Public Market na siyang pinagmulan ng pinakaunang kaso ng vendor na nagpositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, may higit 230 na mga vendors ang nagpositibo sa COVID-19.

Napag-alaman na ang Passi City ay isinasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).