-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Turkish President Recip Tayyip Erdogan na patitirahin sa mga university accommodations ang mga naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.

Lumisan na ang mga ilang mga mag-aaral ng Istanbul sa mga university dorms para ito ay ipaubaya sa mga survivors ng mga lindol.

Mayroong mahigit 1-milyong katao kasi ang nawalan ng bahay dahil sa nasabing lindol.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 36,000 katao ang nasawi kung saan mahigit 31,000 dito ay mula sa Turkey habang halos 5,000 naman dito ay mula sa Syria.

Nanawagan naman si Kelly Clements, ang deputy high commissioner of the UN’s refugee agency (UNHCR) na dapat buhusan ng tulong ang Syria dahil sa dumanas ito ng matinding pinsala mula sa nagdaang lindol.

Personal niya itong tinungo at nakita niya na maraming mga residente ang nawalan ng mga bahay dahil sa nasabing lindol.

Ikinakabahala rin ng mga health experts ang pagdami ng kaso ng cholera at ilang mga sakit dahil sa hindi ito nabibigyan ng pansin.