-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Justice na hindi nito kakatigan ang sinumang maghain ng motion for reconsideration sa korte hinggil sa kanselasyon ng pasaporte ni dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. na itinuturo ring utak sa likod ng pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Pagbibigay-diin ni Justice Spokesperson Atty. Mico Clavano, kokotrahin o tututulan ng Justice Department ang anumang uri ng paghahain ng mosyon o pag-apela sa naturang desisyon mapa-Court of Appeals o makaabot man ito sa Korte Suprema.

Aniya hindi pababayaan ng kanilang kagawaran ang kasong ito dito nagpapakita lamang aniya ito ng imputy sa ating bansa.

Kung maaalala, noong nakaraang linggo inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 51 ang kautusan nitong kanselahin ang pasaporte ni Teves na agad namang ipinatupad ng Department of Foreign Affairs.

Kasabay nito ay ipinag-utos din ng korte sa National Bureau of Investigation na gumawa ng mga kaukulang hakbang upang maibalik muli sa Pilipinas ang dating mambabatas.