Nagpatupad na rin ang ibang mga sikat na television game show sa US ng walang audience dahil na rin sa banta ng coronavirus o COVID-19.

Ayon sa kampo ng game show na “Wheel of Fortune” at “Jeopardy” nagsimula na silang nag-taping ng walang audiences.

Hakbang nila ito para hindi na tumaas pa ang bilang ng mga nadadapuan ng virus.

Magugunitang maging ang ilang mga game at noon time show sa mga national TV ng bansa ay nagpatupad na rin ng audienceless show.