-- Advertisements --

ILOILO CITY – Agaw pansin ang mga tunay na miyembro ng Aeta community sa Dinagyang Festival 2020.

Ito ay kasabay ng ginanap na Dagyang sa Calle Real.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Helen Comawan, miyembro ng Jordan Ati Community Association, sinabi nito na kasama niya sa na nakibahagi sa Dinagyang Festival 2020 ang buong Kati-Kati Tribal Council na siyang ati community sa lalawigan ng Guimaras.

Ayon kay Comawan, labis ang kanilang kasiyahan dahil ito ang unang pagkakataon na naimbitahan sila sa Dinagyang Festival.

Ang buong Florete Group of Companies kabilang ang Bombo Radyo Philippines ay nakibahagi rin sa Dagyang sa Calle Real sa Dinagyang Festival 2020.

Mamayang hapon, gaganapin naman ang Dinagyang Festive Parade.