-- Advertisements --
Umaasa ang mga transport na magpapalabas agad ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) sa pagpapatupad ng Public Utility Vehicles (PUV) Modernization Program.
Kasunod ito sa paghahain ng 56-pahina ng petisyon ng mga transport groups na pinangungunahan ng PISTON.
Ang mga respondents sa nasabing petisyon ay sina Department of Transportation Secretary Jaime Bautista at Land Transportation Franchising and Regulatory Board chairperson Teofilo Guadiz III.
Magugunitang nanindigan ang DOTr na hanggang Disyembre 31 ang deadline sa mga pampasaherong jeepney para sila ay makapag-consolidate bilang bahagi ng PUV modernization program.