Nananatiling nasa normal ang operasyon ng mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines sa likod ng patuloy na malawakang pag-ulan at pagbaha sa Northern Luzon.
Batay sa Ulat ng national grid, nananatiling nakakapag-supply ng kuryente ang mga transmission lines nito sa mga kabahayan na binabayo ng bagyo.
Ito ay sa gitna na rin ng mga ulat ng pagbaha sa malaking bahagi ng probinsya ng Cagayan, at ilan pang mag karatig na probinsya.
Nananatili namang nakamonitor ang pamunuan ng grid sa sitwasyon ng mga lugar na naaapektuhan ng nasabing bagyo.
Maalalang sa naging pananalasa ng supertyphoon Egay sa malaking bahagi ng Luzon ay libo-libong kabahayan ang nawalan ng supply ng kuryente dahil na rin sa pagkasira ng mga transmission lines ng National Grid.
Inabot rin ng ilang linggo, bago tuluyang naayos ang mga ito, kasama na ang pagkakabalik sa pwesto ng mga nabuwal na poste at napigtas na mga linya ng kuryente na nabagsakan ng mga gumuhong lupa at nabuwal na malalaking punongkahoy.