BAGUIO CITY – Suspendido ang mga tourism activities sa lahat ng pasyalan sa Atok, Benguet mula ngayong araw.
Ipinaliwanag ni Mayor Raymundo Sarac na bahagi ito ng pag-iingat ng lokal na pamahalaan laban sa 2019 novel coronavirus lalo na’t maraming local at foreign tourists ang namamasyal sa bayan at pangunahing pinupuntahan ang tanyag na Northern Blossom na matatagpuan sa Sayangan, Paoay, Atok.
Aminado ang alkalde na malaking kita ang mawawala sa lokal na pamahalaan at sa mga negosyante sa pagkasuspinde ng tourism activities doon ngunit sinabi niyang kailangan ang sakripisiyo para sa kalusugan ng mga mamamayan.
Umaasa ang alkalde na maiintindihan ng mga turista ang kanyang pasya na suspindihin ang mga tourism activities sa bayan.
Maliban sa Northen Blossom ay gustong-gusto ding puntahan ng mga turista ang Sakura Park, Haights Place, Highest View Point, Paoay Vegetable Garden, Mt. Timbak at marami pang iba.