-- Advertisements --

Umaabot na sa 21,340 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo dahil sa COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ang iniulat ngayong araw ng Department of Health (DoH), halos isang linggo mula nang ibaba na lamang sa general community quarantine (GCQ) ang dating enhanced community quarantine (ECG) sa Metro Manila at iba pang malalaking syudad.

Ayon sa talaan ng ahensya, 714 ang nadagdag sa listahan, kung saan 350 ang “fresh cases,” habang 364 naman ang late cases.

Sa mga bagong kaso, 171 ay mula sa Region 7 o Central Visayas; ang 104 ay nanggaling sa Metro Manila at 75 ang mula sa iba pang lugar.

Ang 140 naman sa mga late cases ay nasuri sa National Capital Region (NCR), habang 224 ang nagmula sa iba pang bahagi ng ating bansa.

Nadagdagan pa ng pito ang talaan ng mga namatay, kaya may kabuuan na itong bilang na 994.

Pero tumaas din ang record ng mga naka-recover na ngayon ay 4,441 dahil sa 111 dagdag na mga gumaling.