-- Advertisements --
Nanawagan si Philippine National Police chief, PGen. Rodolfo Azurin Jr. sa mga testigo sa mga krimen na lumutang na at makipag-ugnayan sa pulisya.
Ito ay sa gitna ng kaliwa’t kanang napapaulat na krimen sa bansa tulad ng kidnapping, rape, at iba pa.
Ayon sa PNP chief, kailangan nila ang tulong taumbayan upang mas mapabilis pa ang kanilang pagtugon sa krimen na bahagi ng kanilang pagpapatupad ng peace and order sa Pilipinas.
Sa kabilang banda naman ay iniulat din ni Azurin na sa ngayon ay tinatalakay pa lamang nila ang pagsasagawa ng survey hinggil sa performance ng pulisya upang mapagkumpara naman ang mga datos sa focus crime na kanilang nakalap sa unang dalawang buwan ng administrasyong Marcos.