Tiniyak ng Pambansang Pulisya na hindi ligtas sa imbestigasyon ang mga tauhan ni PSupt. Maria Cristina Nobleza, ang opisyal ng PNP Crime Lab Region 11 na may relasyon umano sa isang miyembro ng ASG.

Ayon kay PNP chief police Director General Ronald dela Rosa na bilang isang high ranking official, may mga tao si Nobleza na posible aniyang malapit sa kaniya at naimpluwensiyahan ito.

Maaari umanong may alam o may mga impormasyong pwedeng mapiga ang mga pulis mula sa mga tauhan ni Nobleza na makatutulong sa imbestigasyon.

Samantala, sinabi ni Dela Rosa na pinakakanta pa nila ang nobyong bandido ni Nobleza na si Renoor Lou Dungon.

Nais kasi malaman ng PNP chief kung kasama ito sa mga plano ng pag atake ng ASG ang Inagbanga, Bohol.

Pinakukulong ni Dela Rosa sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame si Nobleza at Dungon dahil kinukunsiderang mapanganib ang mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here