-- Advertisements --
image 260

Sumasailalim sa mahigpit na gun safety and firearms familirization training ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa Barangay Labangal, General Santos City.

Katuwang dito ang U.S. Marines Special Operations Team 8114, Alpha Company, First Raider Battalion.

Ayon sa Coast Guard District Southern Mindanao, layunin ng pagsasanay na ito na palawakin ang kaalaman at kakayahan, gayundin ang tiwala sa sarili ng mga PCG personnel sa paggamit ng baril bilang pagtupad sa mga mandato ng serbisyo.

Maliban dito, may iba pang mga nakahanay na pagsasanay para sa mga tauhan ng PCG para sa ilan pang gawain, tulad ng rescue sa tubig, sa ibabaw ng barko at disaster response sa mga panahon ng kalamidad.

Maging ang iba pang district office ng ahensya ay may mga kapareho ring aktibidad sa mga susunod na araw.