Pinuri ni Vice President Sara Duterte ang mga tauhan ng PCG Southeastern Mindanao na tumulong sa search, rescue, at retrieval operations sa nangyaring pagguho ng lupa sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.
Ginawa ng Pangalawang Pangulo matapos nitong dumali sa isinagawang awarding ceremony ng Coast Guard District (CDG) Southeastern Mindanao sa Sasa Wharf, Davao City kahapon.
Dito ay nagsilbing panauhing pandangal ang bise presidente ng bansa.
Sa naturang event, kinilala ng bise ang coast guard K9 handlers at kanilang working dogs, kasama na rito ang working dog na si Appa at ang kaniyang handler.
Ang mga ito ay tumulong na paghahanap sa tatlong taong gulang na batang na-trap ng tatlong araw sa gumuhong lupa sa lugar ng insidente.
Nagpasalamat naman si CDG Southeastern Mindanao District Commander Coast Guard Commodore Rejard Marfe ang mga awardee sa kanilang mga nagawa upang makapagsagip ng buhay matapos nag malagim na pagguho ng lupa sa naturang lalawigan.
Sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit isang daang bangkay ang narerecober ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng insidente.