-- Advertisements --

Nagdaos ngayon ng training na may kinalaman sa Procurement Law ang Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, layunin nitong matiyak na updated ang kanilang mga tauhan sa angkop na batas ukol sa pagbili at paggamit ng mga pasilidad sa loob ng komisyon.

Kaagapay din ng poll body ang Commission on Audit (COA) sa pagbibigay ng gabay ng mga opisyal at tauhan ng Csa nasabing programa.

Giit ni Garcia, ang bawat sentimong inilalaan sa kanilang tanggapan ay mahalaga dahil nagmula ito sa buwis ng mga mamamayan.