-- Advertisements --

Inaayos na ng Taiwan government ang pagtatayo ng opisina sa susunod na buwan upang suportahan ang Hong Kong citizens na nagpaplanong lumipat sa naturang bansa dahil sa nangyayaring kaguluhan dito.

Kasunod ito nang anunsyo ng Standing Committee of China’s National People’s Congress na sisimulan na nitong talakayin ang national security legislation para sa Hong Kong.

Layunin ng itatayong opisina na tulungang magbayad ng living expenses ang mga taong tatakas sa Hong Kong.

Mag-aalok din ang Taiwan ng consultation services para sa pag-aaral, job-hunting at pagtatayo ng mga negosyo. Nakahanda rin itong suportahan ang relokasyon ng civic groups at kumpanya sa nasabing bansa.

Naniniwala naman ang mga opisyal sa Taiwan na ang pagtanggap nila ng pondo at professionals mula Hong Kong ay may malaking dulot sa pagpapaganda ng kanilang ekonomiya.