-- Advertisements --
Posible sa susunod na linggo ay ipapadala ng Spain ang kanilang mga modernong tangkeng pandigma.
Ayon sa Spanish Defense Ministry na isasagawa lamang pagpapadala kapag natapos na ang gagawing final firing test.
Sumasailalim pa kasi sa final checks sa weapon factory ang anim na Leopard 2A4 na tanke.
Natapos na rin ang isinagawang training ng mga sundalo ng Ukraine na siyang mag-ooperate ng nasabing mga tanke.