Nagtipun-tipon ang mga tagasuporta ni Kingdom of Jesus Christ Pastro Apollo Quiboloy sa harapan ng Senado ngayong araw bilang protesta sa isinasagawang imbestigasyon ng kapulungan sa umano’y mga krimen na ibinabato sa self-proclaimed son of God.
Isinisigaw din ng mga ito na magbitiw na sa pwesto si Senator Risa Hontiveros. Ang Senadora kasi ang tumatayong chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na siyang nangununa sa imbestigasyon laban kay Quiboloy.
Paliwanag ni Kingdom of Jesus Christ’s Political Affairs Coordinator Benjie Gantalao na hindi umano nagiging patas ang Senadora. Dapat din aniyang marinig ang panig ng sekta at ni Pastor Quiboloy.
Sinabi din nito na alam nila bilang full-time miracle workers kung sino si Pastor Quiboloy at kilala din umano nila ang mga nagaalias lamang o nagpapanggap.
Inilunsad ng supporters ni Quiboloy ang kilos-protesta bago pa man ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate panel on women kaugnay sa mga kinasasangkutang kaso ng kontrobersiyal na religious leader kabilang na nag sexual abuse.
Una na ngang inisyuhan ng Senado ng 2 subpoena si Quiboloy para dumalo sa imbestigasyon laban sa kaniya. Una na ring binalaan ng Panel head na si Sen. Hontiveros si Quiboloy na dumalo sa pagdinig o kung hindi ay aarestuhin ito.