Napili ang mga Pilipinong sundalo mula sa Philippine Army unit na 4th Special Forces Company na maging bahagi ng peacekeeping missions ng United Nations Light Infantry Batallion.
Ayon kay Army spokesperson Col. Xerxes Trinidad, mahalaga ang naging papel ng nasabing Batallion sa paglaban sa Abu Sayyaf Group.
Pinangunahan din ng nasabing unit ang ilang developmental efforts sa mga bayan ng Parang, Siasi, Pandami, Tapul, Lugus, at Pata sa Sulu.
Pinnuri naman ng liderato ng Philippine Army ang 4th Special froces Company para sa kanilang matagumpay na mga tungkulin sa pagtiyak sa panloob na seguridad sa kanilang area of responsibility .
Binigyang diin din ng liderato ng Hukbong sandatahan ng Pilipinas ang pangangailangan ng karakter at displina para sa pagkamit ng kanilang mga misyon sa hinaharap bilang bahagi ng UN Light Infantry Batallion.
Sinabi din ni Trinidad na bago ang kanilang deployment , sasailalim ang mga sundalo sa ilang serye ng pagsasanay, seminars at workshops para mahasa pa ang kanilang kahandaan para sa kanilang peacekeeping mission.