-- Advertisements --

Umatras na ang mga sundalo ng Ukraine sa Severodonetsk matapos ang pagdomina ng mga sunalo ng Russia sa nasabing lugar.

Sinabi ni Lugansk region governor Sergiy Gaiday, na inatasan nila nag mga sundalo doon na umatras na.

Sa loob kasi ng ilang mga buwan ay maraming mga gusali ang nasira sa lugar matapos paulanan ito ng rockets ng Russia.

Nasa mahigit 90 percents ng lugar ang nasira na.

Tinuturing pangunahing target ng Russia na makubkob ang Severodonetsk sa Donbas region.