-- Advertisements --

Dumating na sa United Kingdom ang mga Ukrainian tank crews para magsanay.

Sasailalim ang mga ito sa operasyon ng Challenger 2 tanks.

Isa ang UK kasi sa mga bansa na magbibigay ng 14 ng kanilang Challenger 2 tanks sa Ukraine para labanan ang Russia.

Ayon sa British Ministry of Defense na ang pagbibigay nila ng mga tangkeng pandigma ay bilang pagpapakita ng international support sa Ukraine.

Magugunitang bukod sa UK ay mayroong ibibigay na tig-14 na Leopard 2 tanks ang Germany at Poland habang apat na Leopard 2 mula sa Canada

Ang US naman ay magpapdala ng 31 nilang M1 Abrams tanks.

ilan sa mga bansang nangako na magpapadala ng tangke ay ang Spain, Norway at the Netherlands.