Lumipad na pabalik sa Israel ang sasakyang panghimpapawid ng Israeli Air Force (AIF).
Sakay nito ang daan-daang mandirigma ng Israel Defense Forces na nasa ibang bansa, upang makibahagi sa Iron Swords War.
Layunin nitong mapalakas ang karagdagang pwersa para sa patuloy na pakikipaglaban sa mga terorista.
Ang paglapag ng sasakyang panghimpapawid at mga mandirigma ay batay sa gabay ng kanilang Ministry of Foreign Affairs, Operations Directorate, Israeli Air Force at Strategy Directorate at Third Tier ng kanilang puwersa.
Sa nakalipas na ilang oras, ang mga fighter jet ng Israel ay naghulog ng bomba sa maraming target na kinalalagyan umano ng mga terorista na kabilang sa mga organisasyong nasa Gaza Strip.
Sa nakalipas na magdamag, dose-dosenang fighter jet ang tumama sa mahigit 200 target sa Rimal at Khan Yunis.
May mga matataas na opisyal umano ng organisasyon, at operational asset na ginagamit ng mga teroristang operatiba ng Hamas na matatagpuan sa loob ng isang gusali ang isa sa naging sentro ng kanilang pag-atake sa Al–Forqan.
Winasak din ng mga fighter jet ang isang Hamas operational command center na matatagpuan sa loob ng isang mosque, na nagsisilbing command center ng Hamas.
Nag-deploy din sila ng Anti-Tank Missile Division operatives at dalawang karagdagang operational team sa conflict zone.