ILOILO CITY- Napilitang magbukas ngayong buwan ng Agusto sa halip na sa buwan ng Septyembre ang mga Sugar Mills sa Western Visayas upang maiwasan ang pinangangambahang sugar shortage.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo 4th District Board Member Matt Palabrica, sinabi nito na resulta ito ng kanilang naipasang resolusyon na humihiling sa mga sugar mills sa Panay na magbukas ng mas maaga kung saan naging positibo ang pagtugon ng mga sugar factories.
Ayon kay Palabrica,sa Negros Occidental, dalawang pabrika ng asukal ang nakatakdang magbukas ngayong Agusto sa halip na Septyembre at sa Iloilo naman, dalawang sugar mills din ang magbubukas ng maaga.
Una nang nagbabala ang Sugar Regulatory Administration na maaaring kukulangin ang sugar supply ng bansa ngayong Agusto kung hindi papayagan ng gobyerno ang importasyon ng asukal.
Inanunsyo na rin ng SRA na aprubado na ni PBBM ang importasyon ng 300,000 metric tons sang asukal bilang solusyon sa nasabing shortage.