Umabot na sa mahigit 38 million ang bilang ng mga indibidwal na nagparehistro na sa ilalim ng ipinapatupad na SIM registration act sa bansa.
Batay sa huling tala ng Department of
Information and Communications Technology, pumalo na sa 38,187,045 ang bilang ng mga subscribers na kapwa nakapagparehistro na ng kanilang mga SIM card.
Ayon sa kagawaran, ang naturang bilang ay katumbas ng 22.6% ng kabuuang bilang ng mga SIM sa buong Pilipinas na nakarehistro na sa ilalim ng nasabing batas.
Ngunit sa kabila nito ay patuloy naman ang isinagawang paghimok ng mga kinauukulan sa mga posibleng sa lahat ng hindi nakakapagparehistro na iparehistro na ang kanilang SIM card dahil ito ay makakatulong upang mapuksa na ang pagkalat ng cybercrime sa bansa na gumagamit ng text messages.
Nabatid na sa darating na April 26, 2023 na ang itinakdang deadline ng mga kinuukulan para sa SIM registration sa bansa.