-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Sa kabila nang pag-usad muli ng pila ng mga naantalang biyahe sa Matnog Port sa Sorsogon, nangangamba ang Philippine Coast Guard (PCG) na posible pang abutin ng Bagong Taon ang ilan sa mga pasaherong una nang na-stranded.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CPO Nelson Jazo, substation commander ng Coast Guard Substation Matnog, ilan sa mga na-stranded ang nakabiyahe na subalit dagsa rin ang pagdating ng mga bagong pasahero na humahabol sa holiday season.

Ayon kay Jazo, nasa lima hanggang anim na kilometro pa ang mga nakalinyang bus at trucks sa nasabing pantalan.

Kaya kung hindi naman gaanong mahalaga aniya ang pakay, mas mainam kung ipagpaliban na muna ang biyahe dahil mas prayoridad na makaalis ang mga na-stranded mula pa bisperas ng Pasko.