-- Advertisements --

Mahigit 11, 100 katao na ang naitalang stranded na mga indibidwal, kasama ang mga tsuper, sa ibat ibang bahagi ng Luzon at Visayas, batay sa datus ng Philippine Coast Guard.

Maliban sa libo-libong katao, umabot na sa 73 na mga sasakayng pandagat ang stranded o hindi natuloy ang kanilang mga nakatakdang biyahe.

Kasama rin dito ang 27 motorbanca, at 2030 rolling cargoes.

Samantala, minabuti naman ng 111 na sasakyang pandagat na sumilong na lamang sa mga ligtas na bahagi ng pantalan, kaysa pilitin pang bumiyahe, kasama na rito ang 67 motorbanca.

Ang nasabing datus ay kinabibilangan ng mga pantalan sa Bicol region na may kabuuang 6,716 katao na stranded, Easter Visayas na may kabuuang 2,635 katao, at Southern Tagalog na may 1,400 katao.

Ayon pa sa Coast Guard, mayroon ding 360 katao na na-stranded sa North Port Passenger Terminal dito sa Metro Manila.