Ibebenta sa auctions ang stage costumes na sinout ng pop group na Destiny’s Child sa kasagsagan ng kanilang kasikatan.
Ayon sa Julien’s Auction na mayroong 100 na mga costumes ang kanilang isusubasta na pag-aari ng Destiny’s Child members na sina Beyonce, Kelly Rowland at Michelle Williams noong dekada 1900 at early 2000.
Kabilang dito ang sinuot nila na gold leather noong nagsagawa sil ang tribute kay Diana Ross noong 2000 at ang futuristice metallic red na ginamit sa kantang “Independent Women Part 1” na theme song noon ng “Charlies Angel”.
Halos lahat ng mga sinuot nila ay dinisenyo ng in ni Beyonce na si Tina Knowles Lawson at inaasahan na mabibili ito mula $600 hanggang $1,000.
Kasabay din na ibebenta sa auctions ang motorcyle jacket na suot ni Cher noong 1989 music video na “If I Could Turn Back Time na huling nabili sa auction limang taon na ang nakakalipas sa halagang $60,000.