Todo paalala ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga senior citizen na mahilig sa pagnanasa ng laman dahil pa rin sa love scams at budol-budol schemes na talamak pa rin ngayong panahon ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni NBI Cybercrime chief Victor Lorenzo, lumobo raw kasi sa 100 percent ang cybercrime cases na kanilang natanggap ngayong panahon ng pandemic na mas maraming oras ang mga tao sa online o sa internet.
Ang mga biktima ng tinatawag na “love scams” ay natatangayan daw ng cash na P1 million hanggang P17 million.
Ayon kay Lorenzo, karamihan daw sa mga suspek ay karaniwang mga banyaga at karamihan sa mga targer ng mga ito ay mga retirado sa trabahong senior citizens.
Pero nilinaw naman ng opisyal na hindi lahat ng mga friendly sa online ay mga scammers.