-- Advertisements --

Inutusan ni Sen. Risa Hontiveros ang Department of Foreign Affairs (DFA) na i-pressure ang may-ari ng cattle ship na lumubog sa karagatan ng Japan noong Setyembre.

Ito raw ay para pabilisin ng mga opisyal ang ginagawa search and rescue operation para sa 36 pang Pinoy seafarer na nawawala.

Sa pamamagitan ng isang liham, sinabi ng senador na umaapela ng salvage operation ang pamilya ng mga nawawalang manlalayag ng Gulf Livestock 1 para maisalba ang bangkay na posibleng naipit sa lumubog na barko.

Makakatulong aniya ito upang maging payapa na ang isipan ng naiwang pamilya ng mga biktima.

Napag-alaman din ni Hontiveros na mayroon nang nakalipas na control deficiencies report noong 2019 at 2020 ang nasabing barko.

Binigyang-diin din ng senadora na responsibilidad ng Gulf Navigation Holding ang lahat ng gastos para sa retrieval operations.