Inagahan na ng Manila City Government ang pag-anunsiyo sa pagsasara ng kanilang iba’t-ibang sementeryo na kanilang nasasakupan mula Octobre 29 hanggang Nobyembre 3.
Ayon sa Manila Public Information Office na pirmado na ni Manila Mayor Isko Moreno ang Executive Order 33 na pagbabawal sa mga bibisita sa Manila North Cemetery, Manila South Cemetery at Manila Muslim Cemetery.
Gaya aniya noong nakaraang taon ay ginawa ng Manila City government ang hakbang para hindi kumalat ang COVID-19.
Bubuksan lamang ang mga sementeryo kapag mayroong ililibing o cremation services ng mga non-COVID-19 cases basta nasusunod ang minimum public health standards.
Tiniyak nila na magbabantay ang Manila Cemeteries Directors sa tulong ng mga Manila Police District, Manila Health Department, Manila Disaster Risk Reduction and Management Office, Department of Public Services sa pagpapatupad ng nasabing ordinansa.
Ang sinumang lalabag ay mapapatawan ng pagtanggal ng kanilang permit.