-- Advertisements --
Mahigpit na pinagbawalan ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga security guard na gumawa ng ibang mga trabaho.
Ayon kay PNP-SOSIA Director PBGen. Gregory Bogñalbal, na ipinagbabawal sa mga guwardiya ang magsuot ng mga Christmas costumes.
Maari aniyang gayahin ito ng mga kriminal at makalusot sa mga malls at terminals.
May mga karampatang kaparusahan ang security agencies kapag hinayaan nila ang mga guwardiya na magsuot ng mga costumes.