CAUAYAN CITY – Binibigyan na ng kapangyarihan ang mga school heads na magsuspendi ng klase kung kinakailangan dahil sa matinding init o extreme heat na makakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Amir Aquino, tagapagsalita ng DepEd Region 2 na natanggap nila ang DepEd Order number 37 na nagsasaad at nagpapaalala kung kailan maaring gamitin ang distance learning.
Aniya, dahil sa sobrang init ng panahon o extreme heat ay mayroon ng kapangyarihan ang school head na magsuspendi ng klase at gagamitin ang distance learning bilang modality.
Ito ay dahil magiging sagabal sa pag-aaral ng mga mag-aaral ang sobrang mainit na panahon.
May mga lugar tulad ng Tuguegarao City na may aircon upang maibsan ang init ng panahon habang ang ilan namang paaralan ay gumagamit ng ceiling fan o electric fan.
Ngunit maari pa ring maapektuhan kahit may aircon kung manipis ang tustos ng kuryente.
May mga paaralan sa labas ng ikalawang rehiyon na may nahihimatay na mga mag-aaral dahil sa sobrang init ng panahon