-- Advertisements --

Pinawawasto ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga napunang paglabag sa tamang proseso ng pagbibigay ng ayuda ng mga lokal na pamahalaan.

Kasunod yan ng pagsisimula kahapon ng karamihang LGU na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ) sa pagbibigay ng cash at supply sa kanilang mga residente.

May mga nagsiksikan kasi sa pila, may kulang sa abiso at mayroong naantala ang pagsisimula ng cash release.

Paalala ng DILG, dapat sundin ang kinakailangang health protocols para maiwasan ang posibilidad ng hawaan ng COVID-19.

Nabatid na 22.9 million ang beneficiaries na inaasahang mabibigyan ng assistance mula sa national government.

Tig-P1,000 ang ibibigay sa mga qualified residents, habang aabot naman sa P4,000 kung maraming miyembro ang isang pamilya.

Mayroon lamang 15 hanggang 30 araw ang LGUs para tapusin ang pag-distribute ng tulong.