-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Halos 500 pamilya mula sa barangay San Pugo, Nagtipunan, Quirino ang inilikas dahil sa pagkakaroon ng malalaking uka sa lupa at bitak sa kinatatayuan ng kanilang mga kabahayan na sanhi ng tuloy-tuloy at malalakas na pag-ulan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nagtipunan Mayor Nieverose Meneses, sinabi niya na pansamantalang lumikas ang ilang residente ng barangay San Pugo matapos na maglitawan ang malalaking bitak at umukang lupa na kinatatayuan ng mga kabahayan dahil sa tuloy tuloy at malalakas na pag-ulan.

Aniya tinatayang 500 mula sa barangay San Pugo ang ligtas na nailikas ng lokal na pamahalaan at nailipat sa mas ligtas na lugar pangunahin na sa mga evacuation center.

Ayon kay Mayor Meneses dahil sa pangyayari at panganib na maaaring idulot ng mga iniwang uka at bitak na lupa ng pag-ulan ay plano ng Lokal na pamahalaan na magtayo na ng relocation site para sa mga epektadong pamilya.

Karamihan na rin sa mga pangunhing kalsada sa Nagtipunan ang Isolated at hindi maaaring madaan ng anu mang uri ng sasakyan dahil sa ilang serye ng landslide at bitak sa kalsada habnag may ilang lansangan ang nanatiling one way.

Matapos ang assessment at pagsasaayos sa barangay San Pugo ay binisita nila ang western portion ng Nagtipunan Quirino.

Sa kabila nito tiniyak ng lokal na pamahalaan na sisikapin nilang matugunan ang naturang mga suliraning kinakaharap ng bayan ng Nagtipunan.