-- Advertisements --

Iniulat ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pumapalo na sa mahigit 1.6 million residnte ang apektado ng trough ng low pressure area sa Mindanao.

Katumbas ito ng mahigit 400,000 pamilya na apektado sa mahigit 800 barangay sa Davao Region, Soccskargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nakamonitor din ang DSWD sa sitwasyon ng mahigit 316,000 diplaced persons kung saan 18,945 sa mga ito ay inilikas sa 89 na evacuation centers kabilang ang mahigit 200 sanggol at 31 pa dito ay nagdadalang tao.

Samantala, patuloy ang paghahatid ng DSWD ng tulong para sa mga apektadong Mindanaoans na nasa P189,228,601.

Sa kasalukuyan, mayroon pa ring 244 na lugar ang lubog sa baha sa Davao region, Caraga at BARMM.

Umaabot naman sa 1,601 na kabahayan ang nasira mula sa 3 rehiyon kung saan umaabot sa mahigit P827 million n anag pinsala sa imprastruktura at mahigit P212 million naman sa sektor ng agrikultura na nakaapekto sa kabuhayan ng halos 10,000 magsasaka at mangingisda.