-- Advertisements --
Pinayuhan ng mga opisyal sa Kupyansk City sa Ukraine ang mga residente nila na agad na lumikas.
Ito ay dahil sa patuloy ang ginagawang pagpapaulan ng missile ng Russia.
Ayon kay Andrii Besedin ang namumuno sa Kupyansk city military administration na mula ng mapalayas nila ang mga sundalo ng Russia noong Setyembre ay hindi na tumigil ang pagpapaulan nila ng m issile.
Gumagamit na umano ngayon ang Russia ng mga guided aerial bombs.
Mula noong Nobyembre ay inilunsad ng mga otoridad ang voluntary evacuation pero karamihan sa mga residente doon ang mas piniling manatili sa lugar.