-- Advertisements --
Kasalukuyang nakaranas ng rolling blackouts ang mga residente sa Ukraine.
Ito’y matapos hindi bababa sa 40 percent ng power-generating capacity ang nawala sa nasabing bansa matapos ang pang-aatake ng Russia sa mga energy infrastructures.
Inihayag ng Ukrainian energy officials na wala silang maggawa kundi magpatupad ng emergency at scheduled blackouts matapos ang ginawang cruise missiles at drone strikes ng Russia.
Nanawagan ng pang-unawa at suporta ang Ukraine’s national energy company sa mga energy users.
Nauna nang nagdeklara ng martial law si Russian President Vladimir Putin sa apat na rehiyon ng Ukraine.