-- Advertisements --
ILOILO 11

ILOILO CITY – Daan-daang residente sa lungsod ng Iloilo ang nagpalipas ng gabi sa parking area ng isang mall kung saan iniligay ang satellite registration site para sa nagpapatuloy na voter registration ng Commission on Elections (Comelec).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Nestor Canong, pinuno ng Iloilo City compliance team, sinabi nito na alat-otso ng gabi, kahapon, Septyembre 24, nasa 300 mga residente ang pumunta na sa mall upang mauna sa pila kaninang umaga.

Ayon kay Canong, base sa alituntunin, alas- otso ng umaga pa binubuksan ng COMELEC ang registration at natatapos ng alas singko ng hapon.

Napag-alaman na alas-dos pa lang ng madaling araw kanina, mahigit sa 1,000 na mga indibidwal na ang nakaabang sa loob ng mall para sa pagbubukas nga rehistrasyon.

Ayon kay Canong, habang nalalapit ang deadline ng registration sa September 30, inaasahan ang ganitong tagpo sa iba pang satellite registration sites at malaking hamon ito sa kanila upang mapatupad ang social distancing protocol.