-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos protesta ang mga residente ng Guangzhou sa China dahil sa ipinapatupad na compulsory lockdown.
Nagpakalat ang mga otoridad ng anti-riot police kung saan nagkasagupa ang mga ito.
Magugunitang tumaas ang kaso ng COVID-19 sa nasabing lugar na siyang pinakamataas na kaso mula ng magsimula ang pandemic.
Pinakahuling lugar sa China na may mataas na kaso ng COVID-19 ay ang Chongqing city kung saan inilagay sa lockdown ang 20 milyong residente.