-- Advertisements --
Lumikas ang maraming residente ng Pryluky district northern Chernihiv region ng Ukraine matapos ang pagpaulan ng Russia ng tatlong missile.
Ayon sa Operational Command “North” ng Ukraine na dahil sa takot ng mga residente na matamaan ay agad silang lumikas.
Karamihang mga residente na lumikas ay mula sa Petrivske, Tykhe at Sukhostavets.
Magugunitang noong Marso ay nakontrol ng Russia ang Chernihiv subalit umatras din ang mga ito noong Abril.










