Biyaheng Misamis Oriental at Occidental si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr ngayong umaga.
Itoy para personal na mabisita ang mga residenteng tinamaan ng kalamidad sa nabanggit na mga lalawigan nitong nakaraang Pasko matapos makaranas ng malakas na mga pag- ulan na nagdulot ng pagbaha at landslide.
Unang pupuntahan ng Pangulo ang Oroquita City, Misamis Occidental na kung saan, inaasahang magkakaruon ng aerial inspection ang Chief Executive bago sumalang sa situation briefing at pagkatapos nito ay ang pagbibigay ng tulong sa mga naapektuhang residente.
Alas nueve ng umaga inaasahang darating ang Punong Ehekutibo sa Ozamiz Airport.
Kasunod nito ay sa Gingoog City, Misamis Oriental naman ang punta ng Pangulo na dadalo din sa situation briefing kasama ang mga taga DA, BFAR, DPWH, DSWD, OCD, DILG at mga local officials.
Kasunod nito ay ang gagawing pangunguna ng Pangulo sa distribusyon ng tulong mula sa pamahalaan.