-- Advertisements --

Nagsimula nang mag-martsa patungong Commonwealth Avenue , Quezon City ang daan-daang mga raliyesta na nagtipontipon sa University of the Philippines-Diliman.

Ang nasabing mga grupo ay kinabibilangan ng Bayan, Karapatan, Akbayan, Sentro, Sanlakas, at Bukluran ng Manggagawang Pilipino.

Habang nagma-martsa, sinisigaw ng mga raliyesta ang salitang “Ang tao, ang bayan, Duterte’y wawakasan”. 

Sinabi ng grupo na layunin ng kanilang protesta ay upang batikusin ang pang-aabuso ng Duterte administration sa limang taon na panunungkulan nito. 

Lumahok din sa protesta ang mga mambabatas ng Makabayan bloc sa pamamamgitan ng pagsuot ng protest Sona outfits.